.:[ Thursday, August 04, 2005 ]:.
STRESS FREE AS OF THE MOMENT
whew.. i dunno kung ano ang isusulat ko sa blog ko ngaun... medyo kapag kasi meron akong dapat isulat ay nakakatulugan ko ang pagiinternet. haha! i quote majoka for this "ganyan talaga ka-stress tau ngaun, kaya kahit sumandal ka lang bibigay ang katawan mo at makaktulog ka." para sa mga di pa nakakaalam, kakatapos lang po ng aming first MAJOR plate , THE NEW CCP chuvaness. at sa kasamaang palad di kami napasama sa mga finalist (sayang to, 40,000 ang premyo pag nanalo ka at sikat ka sa buong pilipinas) di naman dahil sa pangit ang gawa namin, di lang maayos ang SITE DEVELOPMENT PLAN na 5 oras ko lang ginawa bago magpasahan at ang aming mga pamatay na penil-rendered spot perspectives na ginawa ng iba kong mga ka-grupo. pero design-wise, alam kong may panama ang mga designs namin. un nga lang kulang rin kami s aconcept board kaya di namin naipaliwanag ang mga designs namain. sa madaling salita DI NAMIN NABIGYAN NG JUSTICE ang aming structures. well, too much of arki for now... di na ako makahinga. ***
may part-time job na nga pala ako... draftsman-slash-furniture designer.. oh diba san ka pa. mababa lang ang bayad sakin dito pero oklang kasi experience lang naman talaga ang habol ko kaya ko tinanggap ang offer. sayang din ang connections lalo na't napagtanto kong kamag-anak pala ng boss ko si Dan lichauco, na kung saan ay balak kong pumasok after i graduated. isa ung firm nya (Archion Architects) sa mga choices ko.
***
JOLOGS v2.0 Nanood lang naman kami ng sine, at ang movie ay D'ANOTHERS, at ang location ay sa SM SAN LAZARO. kailangan ko pa bang ipaliwanag kung bakit?
***
JOLOGS v3.0 oh yes! nakarating ako ng Greenbelt 3(for our Planning Case Study) ON A FRIDAY NIGHT UNTIL 2 AM... so what's the big deal about that? WALA NAMAN, AKO LANG NAMAN ANG KAISA-ISANG NAKA SCHOOL UNIFORM SA MGA KAGRUPO KO.sobrang hiyang -hiya ako sa suot ko. may dala naman akong damit pero di ako nagpalit para lang damayan si sheila dahil naka-uniform din sya pero naman, nagjacket ba naman siya eh di di rin siya mukhang nakauniform.
***
yes! tapos na ang plate at prelims na, mea, magagawan mo pa ba ako ng bioman template ko?
***
sana magkapera ako para naman maksama ako sa tour namin sa sembreak sa Bangkok at Ankor Wat. 600 dollars lang ang total. mura na for a 9-day tour db? sayang. gusto ko ring sumama sa pAlawan ng UAPSA 9 days for 4 thou sa sembreak din. OO, nagpapansinan na kami ni eytch kaya ok na kong sumamma. bibigyan pa nga raw nya ako ng PLAK (I quote mea for this! tagal mong i-blog eh kaya inunahan na kita. kaw na lang ang megdetail nito ha? labyu)eh sa induction ng UAPSA.
***
wala lang, AUGUST NA! gusto ko lang magpahiwatig. haha!
a RED production by rocky tulog at
4:54 AM

.:[ Sunday, July 03, 2005 ]:.
J.O to the L. OGS kami na kung tawagin ay mga JOLOGS
at talagang napilitan akong mag-update ng blog ko dahil sa ka-jologsan naming taglay ng mga kaklase ko. *** syempre talagang nagtakbuhan kami nila ryan at mea ng sabihin nyang may screening daw ng big brother sa baba.ayun pala taping ng ikaw ang lahat sa akin. haha! at di pa kami makapaniwala nung una nang sabihin nila jhei at ann na andun nga si john lloyd. mega usi ang mga lolo mo. keber ba namin sa ibang mga estudyante dun. para kaming first year. haha at talagang nilayasan namin ang design kahit na may ipapasa kaming plate that time.at jologs din pala katulad namin si faye at jony na nauna pang nakitakbo sa amin. *** pero di pa yan ang kwento. eto ang matindi at nakakaasar. mga past 7pm na so konti na lang ang tao sa gallery. syempre mega hintay pa rin kami sa shooting ni john lloyd. maya-maya andun na si john lloyd sa gallery at nagaaral ng blocking nya. ng matapos na na-starstruck kaming lahat ng biglang lumabas ng gallery si john lloyd at lumakad sa harap namin. di kami nakatili pero in fairness namn sa kanya nag-wave at nagsmile pa siya sa amin. wow. feeling namin that time ang bait nya. tapos ang guwapo at ang mestiso at ang kinis ng balat. (na-realize ko na di pala talaga akong pwedeng mag-artista kung ikukumpara sa kutis at gwapo nya. pero kung makita mo naman ung mga extra, mas guwapo pa ko sa personal. kaya ko rin naman mag-painting ha! haha! tapos mega hintay pa rin kami kasi nakita namin na nagdadala ng pagkain sa classroom kung san nagstay si john lloyd. eh di ang tagal-tagal. wala ng tao sa gallery. kami na lang ng mga kakalase ko. OO, KAMI LANG MAGKAKAKLASE ANG MATIYAGANG NAGSTAY SA GALLERY. pero may dalawa ring 3rd yr na fanatic kay john lloyd. di na kami makapaghintay so tinanong ko ung isang mamang crew kung pwedeng magpapicture kay john lloyd, sabi nya oo ok lang daw kumakain lang hintayin na lang namin lumabas. eh di hintay kami mga 30 minutes eh ang tagal tagal talaga isa pa sabi ni manong guard na magsisimula na lang daw ulit ung shooting kapag nakalabas ng lahat ng tao sa gallery so i dared myself na puntahan na sa room si john lloyd para di sayang sa oras. ayaw ba naman akong samahan ng mga classmate ko dahil nahihiya sila. eh di kinuha ko ung digicam ni jhei at nagsabing "bahala kayo ha, ayaw nyo kong samahan ako lang magpapapicture". naglakas loob akong magtanong dun sa isang bantay kung pwedeng silipin si john lloyd dun sa classroom para magpapicture. sabi nya ok lang daw eh di pumunta na ko sa labas ng room kasama si cj tapos nakita ko sa bintana si john lloyd nakaupo. tamang-tama naman na biglang lumabas ng pinto ung isang crew na kinukulit namin at sinabi nyang sige pumasok ka na. eh di pasok naman ako. (at syempre nainggit din ang akuing mga classmate na nakamasid kaya medyo sumunod sila bigla). pagpasok ko nakita agad ako ni john lloyd so nahiya kagad ako kaya medyo umatras ako. tapos parang sumenyas siya sa PA niya na ayaw niya so pinalabas ako ulit sabi hintayin na lang namin lumabas. di naman siya kumakain, nagtetext lang siya. dahil sa badtrip ko at dinedma niya ako umalis na kami. yeah, we walked out with lots of dismay. we waited for nothing. akala pa naman namin pagbibigyan nya kami magpapicture dahil syempre he has to be friendly and approachable to his fans kaso kaplastikan lang pala ang pagsmile at pagkaway nya sa amin. we were wrong. nasira na tuloy siya sa akin. buti pa si joross at roxanne kahit na hindi ko pinansin sa glorietta ng masagi ko sila nginitian pa rin nila ako. at correction, i was never his fan (kahit na napanood ko pa sa sine ang my first romance at now that i have you! haha!) natuwa lang talaga ako sa kanya kaya napagisipan naming magpapicture sa kanya. well, siguro... benefit of the doubt, pagod lang siguro at nagpapahinga raw dahil masama talaga ang pakiramdam sabi ng isang manong kaya di niya kami pinaunlakan.ngunit ganun pa man, ok lang un sakin dahil di naman talaga ako fan niya pero ayoko na sa kanya. *** habang naglalakad kami pauwi, na realize ko na nakakahiya pala ung ginawa ko. *** promise ko, pag sikat na ko, Laos na siya. HAHA! at di ako mangi-snob ng mga fans ko! *** rockytulog: oh! bakit andito ka, manonood ka rin ng shooting? timo: oo noh! nasa labas kami naghihintay! KANINA PA KAMING ALAS SINGKO ANDITO NOH! rockytulog: wow! fanatic! ang taas pa naman ng respeto ko sayo. haha! timo: nag-umpisa na ba? LUMABAS NA BA SI BEA ALONZO? rockytulog: wala si Bea noh! si John Lloyd lang ang nandito! timo: (mukha ng pinaghalong badtrip, dismaya, hinayang at gulat)HUH!?! ABA'Y PU+@ng i#@
a RED production by rocky tulog at
2:27 PM

.:[ Saturday, June 04, 2005 ]:.
CLASS SCHEDULE
Well, eto na ang aking class schedule para sa 1st sem ng aking senior life. oh yes! Senior na ako and i'm a year away from my thesis. might as well get ready for that. madaming may ayaw ng schedule namin, but as for me, maganda na siya kung tutuusin compared sa ibang fourth years na may 7am class. Gosh! di ko na kayang pumasok ng ganun kaaga. iba na talaga ang body clock ko. pero ang ganda talaga ng sked ng 4-3. sila ang may pinakamagandang sked. 1pm na ang pinakamaaga nila. kung ganun ang sked namin baka nag-apply nako for apprenticeship. sayang din un noh!para sa mga stalkers, dito nyo ko pwedeng sundan...TUESDAY: 12:00-3:00 CADD AR 4:00-9:00 Design 7 WEDNESDAY: 10:00-1:00 Logic 3:00-5:00 Architectural Science 1 5:00-8:00 Planning 1 THURSDAY: 4:00-9:00 Design 7 FRIDAY: 10:00-1:00 Professional Practice 1 3:00-4:00 Architectural Science 1 4:00-9:00 Building Technology 5 SATURDAY: 10:00-2:00 CADD AR 3:00-6:00 Design 7 ***Lord, sana bigyan mo po kami ng mababait, mataas magbigay ng grade, at magaling magturo na mga professors. Amen.
a RED production by rocky tulog at
2:44 AM

.:[ Thursday, May 26, 2005 ]:.
MY FAVORITE THINGS!
Raindrops on roses and whiskers on kittens Bright copper kettles and warm woolen mittens Brown paper packages tied up with strings These are a few of my favorite things Cream colored ponies and crisp apple strudels Doorbells and sleighbells And schnitzel with noodles Wild geese that fly with the moon on their wings These are a few of my favorite things Girls in white dresses with blue satin sashes Snowflakes that stay on my nose and eyelashes Silver white winter that melts into spring These are a few of my favorite things When the dog bites When the bee stings When I'm feeling sad I simply remember my favorite things And then I don't feel...so bad
a RED production by rocky tulog at
2:39 AM

SCREW CALARUEGA!!! HAHA! BITTER, AGAIN?
All my bags are packed and Im ready to go. Im standing here outside of USTs Main door. (sing to the tune of Leaving on a Jet Plane)
Oh yes! Eto na ang pangatlong beses na hindi ako natuloy sa Calaruega. 1st nung 2nd Arki PTS (dahil pasahan ng Conrado Balweg Hospital Major Plate namin). 2nd nung 3rd yr retreat (dahil sa di kagandahang kagagawan ni Sir Maneja na isang Theology Coordinator pa man din sa Arki). At pangatlo, ngayon! Sa 30th SOCC LTS.
Di ako nakasama dahil sa maraming kadahilanan: 1. Dahil isang University Wide ang Org na nire-represent ko, di na raw kailangan sumama ng mga local units, Central representatives are enough to participate. 2. At kung sakali mang pwedeng sumama ang mga taga local, 2 representatives lang daw ang at most. Kung sasama pa daw ako, ako na ang pangatlong representative ng org namin at hindi raw yun maaari dahil Three’s a Crowd. 3. Kung sakali mang pwede namang lumagpas ng dalawang representative di pa rin ako pwedeng makasama kasi hindi ako nagpa-early registration. Di kasi uso sa kanila ang On-site registration. 4. Pinakahuli, kahit na daw pwede ang On-site Registration di pa rin daw ako pwedeng makasam dahil sa katabaan ko, Di na raw magkakasya sa bus kasi sakto na lang ang mga participants sa 3 giant buses ng UST.
*Ayon yan kay Maam Thelma
Oh di ba ang saya-saya!!! Parang ayaw talaga akong pasamahin sa Calaruega. Ano bang meron dun at hindi ako matuloy-tuloy dun?
Na-excite pa naman akong pumunta ng Calaruega at makipag friendly friends. Sobrang nagpagupit pa ako ng buhok para lang jan. leveling ang preparations ko tapos di naman pala ako matutuloy.
Nakakahiya pa nga eh kasi nagpunta pa ako ng school para nga makasama tapos wala pang 5 minutes kailangan ko ng umuwi dahil wala na akong business doon. Tapos mas malaki pa ang dala kong bag kaysa mga talagang participants. Mas nakakahiya pa kasi sakto namang dumating ang sundo ng time na nagaakyatan na sila sa bus. Ang saya kasi sila pasakay ng bus papuntang Batangas samantalang ako pasakay ng kotse pauwi ng bahay.
I felt really sad kasi ako na A-T-A-T sa pag attend ng LTS ay di nakasama samantalang sila Maria at Jeff na tamad na tamad magparticipate (sabi nila yan ha) eh sila pa ang nakasama. Hay! Ang buhay nga naman! I nearly cried kanina sa bahay ng makauwi ako. Sabayan pa ng maganda kong kapatid na tawagin ba naman akong ISA KANG IWANAN!!! Ang saya di ba? Ibig ba niyang sabihin dun ay LOSER??? Di naman siguro. Haha!
Gustong gusto kong sumama kasi: 1. Maganda sa Calaruega, madaming multo, laging pinagshu-shootingan, malamig ang klima. 2. Di pa ako nakakapunta doon dahil nga palaging nauunsyami. Madami na ring lakad ako ngayong summer ang naunsyami. Pang-anim na tong SOCC LTS. Mga Bayabas! 3. Gusto kong makameet ng maraming new friends mula sa ibang colleges. Di pa kasi ako nakapagparticipate sa isang University Wide Activity, bukod syempre sa rite of passage, concerts, Paskuhan, at Pautakan (haha! Nerdy-nerdy). 4. Iba kasi ang mga LTS, PTS, Congress, Conventions, etc. kaya gusto kong sumama. Talagang makakabond mo ang mga participants (katulad namin nila Gani, Louise, Anya, Elone, Meng, Eme, at marami pang iba. Nabuo ang magandang friendship namin dahil sa LTS.) 5. Favorite part ko pa rin ang mga Fellowship Night na kung saan kadalasan ay mayroong Bonfire. Wow! Starry starry Night! 6. Lastly at pinakaimportanteng rason: MADAMING PROSPECTS! Haha! Ang landi ko talaga! Pagpasok ko pa nga lang ng Main Building, 2 prospect na. At habang naghihintay ako ng sundo, may 3 pang bago. Whew! Sayang naman yun noh! Pagkakataon ko nang mangarir, este, makarir o karirin! HAHA!
Buti na lang pampalubag loob, umalis kami ng family ko at naglibot libot kami sa The Fort. At napabili tuloy ako ng bagong t-shirt. Hehe! Mababaw lang naman ang kaligayahan ko eh.
Isa pa natutunan ko rin sa isang kanta sa The Sound of Music na I just have to remember my favorite things, and then, I wont feel so sad. Oh di ba?!?!
Kahit na medyo di na ako sad, nanghihinayang pa rin ako. I’m just wondering kung anon a kaya ang ginagawa nila ngayon dun?!?!
***sabi di ba: remember my favorite things to ease away the sadness. Eh pano na un ang dalawa sa mga top favorite things ko ay ang traveling at making friends na kung saan ay maari kong ma-experience sa naturang LTS? Hay buhay!
a RED production by rocky tulog at
2:09 AM

.:[ Friday, May 20, 2005 ]:.
KUNG MAGISING KA'T MAGMUNI-MUNI
Di ko alam kung anong nagudyok sakin para gumawa ulit ng entry sa aking abandonadang blog. Inaamin ko na binalak ko na talagang huwag galawin ang blog na to at gumawa na ng panibago
***panawagan para kay mea: akala ko ba gagawan mo rin ako ng account sa lj??
Newei, wala naman na kasing matino or should I say interesanteng nangyayari sa buhay ko this past few days. So wala akong maisulat.
Pero napagisip-isip ko… sayang naman ang mga nasimulan ko na.
***
tapos na ang autocad classes ko. At sa wakas, magsisimula na ang aking tunay na bakasyon.
Oo, marunong na akong mag-CAD kaya pwede na akong magtrabaho. Nyahaha… ang babaw!
Pero, ang aking Autocad summer classes ang isa sa mga bagay na hindi ko malilimutan.
Wala lang, masaya lang ako. Pero wala namang particular na tao o bagay ang nagpapasaya sa akin. I just feel good.
Nagkaroon ako ng time sa buhay ko na makapag-isip-isip tungkol sa buhay… Tungkol sa mga pangarap ko at mga gusto kong gawin at marating…(wow! Ang lalim naman ng sinabi ko.. at ano naman ang kinalaman ng autocad dun???)….
Aking napagtanto na ang isang pagkakadapa at hindi pagkatupad ng isa sa iyong mga pangarap ay hindi katapusan ng mundo. Hindi lang ang mga bagay na inakala mong importante ang siyang dapat mong pagtuonan ng pansin. Madami pang mga bagay jan na nangangailangan lang ng pagkakataon upang maipamalas nito ang kabutihang kanyang dulot.
Sabi nga ni Sarah Geronimo: “Lumingon ka lang….Anjan lang siya palagi sa tabi mo”.. haha! Corny!
***
Career mode ang lahat ng tao ngayon. Pati na ung mga kakalase ko sa autocad. Nagpalitan pa ng mga cellphone numbers at calling cards. For future reference daw! Haha! (OO…. Dalawa lang kaming estudyante sa klaseng iyon…. Puro matatanda na ang mga kaklase ko sa autocad… ung isa kong kakwentuhan ay 38 yrs old na civil engr at may mas matanda pa sa kanya na isang babaeng architect.)
Nung una wala akong pakialam kahit di ko makuha ung number nila. Kinuha ko lang ay ung sa seatmate ko, si Vivian, kasi siya lang naman talaga ang ka-close ko. Pero ng maglaon, napagtanto ko ulit na dapat pala ay kinuha ko na rin ung number nila at pinamudmod ang aking cellphone number… possible connections din pala sila. Haha! User-friendly!!!
In-fairness, masaya ang last day namin. Ubeng-ube! (Ultimate Bonding Experience) kulitan sa room habang nagpla-plot ung iba, tapos nagkainan halos kaming lahat sa Mcdo at mega kwentuhan. Leveling ang bonding moments namin. Magiinuman nga dapat kaso mga bayabas din pala ung iba kong kaklase dun… matatanda na, bayabas pa!!! Inabutan din kami ng ulan habang naghihintay sa pinakamimithi naming certificate kaya lalong nadagdagan ang bonding moments namin. Kwentuhan to the nth level. Pero mostly about sa field of work ang topic namin.
OO… nakuha ko ung certificate ko kahit na may isa akong absent at kailangan kong magmake-up ditto. Importante pa naman ung rendering na topic dun pa ako nagabsent.
Ipinagpalit ko ang rendering class sa isang araw na outing ng pamilya ko… at hindi ako nanghinayang. Mahal ko ang pamilya ko at hindi ko kayang hindi makasama sa mga special na okasyon. Kaya go talaga ko. Kahit taun-taon kaming nagswiswimming, hindi pa rin ako nagsasawa!!!
***
Masaya ako talaga kasi inulit na rin sa wakas ang meteor garden. Ang lakas ko talaga kay lord dahil dininig niya ang mga panalangin ko… how I miss meteor garden so much!!!
***
Masaya rin ako kasi nagkaroon ako ng time para makabonding ang mga friends ko sa church at college.
Nagswimming kami nila yayie, boggs, cehl, virlet at therie sa laguna. Migosh, inabot ata kami ng kulang-kulang apat na libo para sa isang overnight stay sa resort na may pool na ilangdaang taon nang hindi pinapalitan ng tubig. Sa kamalas-malasang pagkakataon at dahil no choice na rin kami, napadpad na naman kami sa Villa Querol! Thrice na kong nakarating sa lugar na to at I swear di na ko babalik pa. Pero nakakaaliw kasi sobrang coincidence kasi lahat kami ng napadpad dun sa resort ay puro Born again Christian. At kakilala pa namin ung ibang andun. Ang saya nila at ang saya namin.
Kami naman nila rhai, Sheila at shie, ay mega bonding nung bday ni ryan. Lahat libre ni rhai! Mula sa Yellow Cab pati na sa sine. At nakakapanghinayang dahil hindi Can This Be Love ang pinanood namin. Pero masaya ako nun… Sobra. Mega kwentuhan kami sa Baywalk. Inabot na kami ng alas 3 sa Baywalk at kami na lang ata ang gising. Kasi sarado na ang mga bar dun at lahat na ng tao dun ay tulog na sa mga benches. Mangilanngilan na lang ang gising at lahat pa sila y puro PDA. Tapos videoke pa kami kinabukasan. Hay ang saya!
Hi-skul friends ko na lang ang hindi ko pa nakakabonding dis summer. Never pa ata ako gumimik ng as in night-out kasama ang hi-skul friends ko. Pati ung swimming namin na since first year pa binabalak ay di pa rin natutuloy. Kuntento na kami sa mga sleep-overs at mga panonod ng sine at inuman at mga “Christmas party slash reunion”. Except nung bday ni mark nung 4th yr na nagswimming ang lahat ng boys. Pero ung talagang mga tropa ko na mga lalake ay hindi sumama sa naturang outing.
Huling labas ko na ata wid dem ay nung December pa at nanood kami ng so happy together with maui, faith, ieth, at toffer. Hindi ko alam sa iba kong mga kaibigan kung lumalabas pa sila pero ang alam ko OO, lalo na ang mga UPD pipol.
Hehe! Sabi nga nung isa kong tropa, isolated na nga ako sa UST, inisolate ko pa lalo dahil hindi daw ako nagpaparamdam. Haha! Pero I swear, di na talaga ako bibisita sa UPD, UPM at sa eskwelahan ni Boni at ang katapat nitong eskwelahan. Ako na lang ang nakakaalam ng dahilan kung bakit. (pero one of these days, alam kong sasamahan ko si gain sa UP para sa kanyang thesis) haha. Pero walang makakalam kung kelan. At sana wag ng matuloy.
Pero miss ko na talaga sila. Pati na rin ang mga college friends ko…
***
ewan ko kung bakit yan ang mga nagging topic ng entry ko sa blog ngayon??!!?? I just wonder.
a RED production by rocky tulog at
2:16 AM

.:[ Wednesday, April 13, 2005 ]:.
YOU HAVENT SEEN THE BEST OF ME YET
Excerpts from the song Fame by Irene Cara. this is in connection to the Vengeance is Mine. hahaha!!!"... look at me And tell me what you see You ain't seen the best of me yet Give me time I'll make you forget the rest I got more in me And you can set it free I can catch the moon in my hands Don't you know who I am? Remember my name... ...I'm gonna live forever I'm gonna learn how to fly High I feel it coming together You will see me and cry ...I'm gonna make it to heaven Light up the sky like a flame... ...You can shoot me straight to the top Give me a chance and take all I've got to give... ...I'll be tough Too much is not enough I'll grab you til you break Ooo I got what it takes... Remember my name..."
a RED production by rocky tulog at
2:05 AM

.:[ Tuesday, April 12, 2005 ]:.
VENGEANCE IS MINE!!!
I was supposed to write about my week long experience sa UAP National Convention at the Westin Philippine Plaza and World Trade Center and UAPSA National Congress at Chateau Royale in Batangas... kaya lang sa di inaasahang pagkakataon, NAWALAN AKO NG GANA!!!
Sorry pero medyo random thoughts ang aking ilalahad ngayon. di nyo rin sya gaanong maiintindihan kaya ok lang na wag nyo ng basahin tong entry na to. gusto ko lang magkaroon ng outlet...
***
oh yes, wala na talaga akong gana. salamat mea sa iyong napakagandang idea na tigilan ko na silang dalawa...
BITTER AKO!!! BITTER!!! BITTER!!! masisi nyo ba ako kung bakit ako nagkakaganito?
naitulog ko man siya, ganun pa rin ang nararamdaman ko!
i did my best but i guess my best wasn't good enough
***
ngayon ko lang napatunayan na wala ka pala talagang tiwala sa akin.
OO IKAW!!! IKAW NGA!!! wala ng iba pa.
sinabi ko na to dati at sasabihin ko ulit sya ngayon... HINDI IKAW ANG TAONG MAKAKAHADLANG SA MGA PANGARAP KO!
***
This is not the end, it's only the beginning. at alam kong balang araw magkikita pa rin tayong dalawa. and i hope that when that precious day comes, i'm a lot more succesful than you!!!
oo masyado kang tiwala sa sarili mo....
***
a RED production by rocky tulog at
1:54 PM

|