DI BA NOCHE BUENA SA GABING ITO?
kakatapos lang ng pamilya namin na mag-noche buena. hindi naman masyadong marami ung handa at kinain namin, halos tama lang para sa isang maliit na salu-salo ng pamilya. nakakatuwa kasi medyo matagal-tagal na rin ung huling noche buena namin kasama ng mga kuya ko. madalas kasi tulog na ang mga tao dito bago pa man sumapit ang alas dose. hindi rin namin nakasanayang umatend ng christmas eve mass kasi hindi naman kami katoliko, wala kaming ganun. hindi rin kami nagbubukasan ng mga regalo sa isa't isa. di kami ganun kapormal. kaunting salu-salo at kuwentuhan lang, solve na kaming lahat! basta sama-sama. mababaw lang ang kaligayahan namin.
masaya talaga ako ngayong gabi, promise! saka kasi nadagdagn na ang miyembro ng pamilya namin, si Robbie!
masaya talaga ako ngayong gabi, promise! saka kasi nadagdagn na ang miyembro ng pamilya namin, si Robbie!
***
at ang agang mag-inuman ng mga tambay dito sa amin. mukhang balak nilang hanggang gabi ng pasko mag-inuman ah? mga tol, may bukas pa para mag-inuman. hehe!
at ang agang mag-inuman ng mga tambay dito sa amin. mukhang balak nilang hanggang gabi ng pasko mag-inuman ah? mga tol, may bukas pa para mag-inuman. hehe!
actually naririnig ko ngayon mula sa labas ang mga halakhakan ng mga umiinom sa labas. mga pinsan at kuya ko ata ang mga un. lasheng na ata ang mga mokong.
***
MERRY CHRISTMAS TO ALL!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home