LAST MINUTE CHRISTMAS SHOPPING AND GIMIK
mag-walking tour ba sa maynila?
grabe, sumakit ang mga paa ko kahapon matapos akong mag-last minute christmas shopping sa g4 with mah friend Yayi. ang dami ng tao, swear! di na nga ako masyadong nakapagikot eh basta binili ko na lang ang dapat kong bilhin.after nun, pumunta na kami ng sm manila to meet up our other friends kasi gigimik kami.
***
mag-walk out ba dahil late ang mga kasama mo? well, hindi naman sigurong tama na umuwi ka at iwanan mo ung mga kasama mo dahil lang sa late sila noh! eh malay ba naman niya kung nasagasaan na pala ung kaibigan niya habang biyumabiyahe. at tama rin bang wag mag-text at ipaalam sa kanila na nauna ka nang dumating sa meeting place niyo. mas maganda pa siguro na masigawan ka dahil late kayong 3 kaysa naman iwanan kayo at maghintay sa taong umalis na dahil sa hindi marunong maghintay. though aminado kaming tatlo na late nga kaming dumating ng 15 mins or so, eh anong magagawa namin, sobrang dami ng tao. hindi na nga kami magkandaugaga sa pagsiksik sa tren ng mrt at lrt wag lang kaming ma-late sa usapan dahil nakakahiya. (alam kong lagi akong nasu-super late pero iba this time kasi may kasama ako)
anyway, kahit anong gawin at sabihin niya na ayaw niyang ma-spoil ung gabi namin, its too late my dear friend because its already spoiled. siyempre hindi na rin ganun kasaya kasi kulang na ung barkada namin ng isa.
wow! ang sayang pasko nito! may tampuhan sa amin ng mga barkada ko sa church!
***
eto lang naman ang itinerary ng walking tour namin sa maynila sa kadahilanang wala kaming ma-isip na mapuntahan para maka-gimik kami:
- sm manila: meeting place at kung saan kami nag-dinner. nakapag-window shopping rin kmi ng 2 oras sa paghihintay.
- wow philippines: pumunta kami para mag-cr at tignan ang mga tiyangge. tumengga at nagikut-ikot kami rito ng 1 oras.
- baywalk: binaybay namin ang lugar na ito para umupo sa mga bench, mamintas ng mga magsyotang nagpi-PDA at pati na rin ang maidlip sumandali
- star city: nilakad namin to para malaman na dumating kami dun ng 1am at magsasara na pala soya ng 1:30 am. ang saya-say nito noh!
- arkdia, malate: sa wakas! sa sobrang desperado namin at para na rin wag masayang ung gabi namin, OO nag-bar kami. buti na lang at ok ang crowd at mga performers dito at kahit papaano naging masaya na rin ang gabi namin. sana pala kanina pa namin naisip pumunta dito.
- baywalk ulit: dahil sa napagsarahan na kami ng arkdia dahil alas-singko na ng umaga at ayaw pa rin naming umuwi, napagdesisyunan namin na magpaumaga na rito at hintayin ang pagsikat ng araw! matagal-tagal ko na ring hindi nasisilayan ang pagsikat ng araw, miss ko na siya, dahil araw-araw na lang tuwing gigising ako ay papalubog na ang araw! ang saya!
***
actually ang tiyaga naming lakarin ang lahat ng lugar na ito. sumakay din naman kami ng jeep pero mas marami pa ung nilakad namin kaysa sinakay namin.
in fairness, nag-enjoy rin naman kami kahit na kinalyo na ang mga paa namin at naglakihan na ang mga muscles namin sa binti sa kalalakad..
***
nakakapanghinayang ung isang singer sa arkdia. ang ganda ng boses niya, buo saka malaki, tapos magaling pang sumayaw. kahit na hindi siya masyadong kaguwapuhan, matangkad at macho naman siya. total performer kumbaga. ok na sana eh un nga lang, DINGBAGALORE ang lola mo! at he's proud to be one! hehe!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home