AT LONG LAST!
hay grabe! ngayon na lang ulit ako makakapag-entry sa blog matapos ang mga katakut-takot kong plate sa design at hoa. sa iba hindi siya ganun kaganda pero para sa akin maganda siya dahil pinaghirapan ko siya. salamat din sa lahat ng tumulong sa akin para mtapos ko ung design plate ko! masaya rin ako sa grade ko kahit na hindi masyadong mataas. thank you Lord dahil natapos ko siya! grabe masaya talaga ako! sana mas magalingan ko pa sa mga susunod na plate ko!
***
ang bilis magdaan ng pasko at bagong taon at ngayon nga ay 2005 na. alam nyo bang ni-singkong butas ay wala akong natanggap na pera nung pasko. as in! matanda na raw kasi ako eh. medyo expected ko na rin naman na wala akong masyadong matatnggap na pera eh dahil nga 19 na ako at tumataginting na sampung bata na ang inaanak ko, at dapat ay ako na talaga ang nagbibigay. napahiya nga ako sa isang bata eh habang nagsasalita ako sa sunday school.
***
rocky: oh madami ba kayong natanggap na regalo at pera nung pasko?
bata 1: ako kuya naka-1000 pesos
bata 2: ako naka-700 lang
rocky: wow! buti nga kayo nakatanggap ng pera nung pasko eh. ako walang nagbigay ng pera sa akin! kasi ako na ang nagbibigay ng regalo sa mga inaanak ko.
bata 1: di ba kuya mas maganda nga ang nagbibigay kaysa tumatanggap tuwing pasko?
rocky: ah, eh, OO tama yan! *toink*
***
pero buti na lang at may nagpahabol pa ng 100 pesos at worth 500 pesos ng gift certificate. hindi naman talga ako nangulila nung pasko kasi may nagbigay naman sa akin kahit papaano ng mga regalo. puro mga gamit ang natanggap ko, hindi cash!
masaya rin naman ung new year namin, actually masaya talga ang bagong taon sa tondo kasi lahat ng tao nasa labas ng bahay ta nagpapaputok at kapag alas-dose na nagbabatian lahat ng mga magkakapit-bahay! hindi tulad sa mga villages na kanya-kanya ang celebration ng new year!
***
i just hope na this year will be a year of enlargement, prosperity, and change for something better, ika nga ni pastor sa new year's sermon nya. i must admit na mas madami ang hindi magagandang nangyari sa akin last year, but thankfully, madaming mga opportunities ang dumating sa akin nung 2004. and i thank God for that! my life is completely changed!
***
sana matupad ko ang mga new year's resolutong ko!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home