GATA SALVAJE REWIND... DIRECTOR'S CUT!
hehe, mea salamat sa iyong pagtangkilik sa ating mabuting pagkakaibigan. nawa'y lalo pang tumamis ang ating pagsasama. wag lang tayong magiging masyadong close at magpapastudio, mahirap na. hehe! alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. tayong dalawa ang patunay na may kinahahantungan ang mga totoo sa sarili, walang keme. keber sa iba. mabuhay ka! hinding-hindi ko makakalimutan ang ating social dancing days.
may nakakalimutan ka atang idagdag sa ating versatility... kaya nating tumawa ng tumawa hanggang sa lumuwa na ang mga lalamunan natin kahit na wala pa tayong nagagawang plate.
***
mahal ko na ang mga koreano! marami na ang patunay na magaganda silang gumawa ng mga telenovela o maganda lang talaga silang gumawa ng mga kwento. at in fairness, masayadong inosente ang kanilang pag-iibigan hindi tulad ng mga mexicano na puro tawag ng laman ang alam.
bukod sa meteor garden1 na isang chinovela, puro koreanovela ang mga natitipuhan ko. winter sonata, lovers in paris (na malapait ng matapos), stairway to heaven (na bago kong kinalolokohan ngayon). gusto ko rin ang mga pelikulang My Sassy Girl at Lover's Concerto (na friends and lovers sa cinema one). pareho nga palang nirekomenda ito ni jony at nagustuhan ko naman talga silang dalawa. gusto ko ring mapanood ang prequel ng my sassy girl (ang istorya ni sassy girl at ang kanyang namayapang boyfriend) hindi ko alam ang title nito. nakakainis lang meron na akong hawak na dvd nito na pinahiram ni popo kaya lang sa kasamaang palad ayaw niyang gumana sa dvd at pc namin.
***
napansin lang namin kamakailan ang mga uso sa mga pinoy telenovela at mga koreanovela. tawang tawa kami dito:
pinoy telenovela - nagkakapalitan ng anak, may peklat sa mukha...kumbaga two-faced... (valiente, selina at magda sa mula sa puso, at ang latest addition nito ay sina jopay at harry), sumasabog na mga bus at ang mga bida ay alipin ng mga haciendero, maikli na ang dalawang taon ang pagtagal nito sa ere.
koreanovela - mahilig lang naman silang maaksidente sa sasakyan at sa mga childhood sweethearts. di uso kasi to pareho sa pinas eh.. trapik palagi at di na umaabot ng sweet 16 ang mga babae, sweet 12 na ang d most. hehe joke! no offense.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home