RAMBOL 101... SAN KA PA?
naputol ang aking pag-iinternet sa kadahilanang may nag-aaway sa kalye namin. (ito rin ang dahilan kung bakit nag-entry ulit ako) ang saya-saya di ba? well, kilala nga ang aming lugar, ang TONDO...bow, bilang isang magulong lugar at ang mga tao dito ay puro basagulero. at pinangatawanan nga NILA ito.
akala ko konting away lang na puro sigawan at talakan ang nangyayari sa labas at ayoko pa sanang tignan pero ng tumagal ng konti nakarinig na ako ng mga nagtatakbuhan at mga nababasag na bote, sabi ko ibang away na to.
shempre naglabasan ang mga kapitbahay pati na rin kami upang maki-usyoso. drama ever ang mga sangkot sa gulo na kaibigan ng isang taga-amin. akala namin tapos na kasi nagiiyakan na lang ang mga babaeng kasama kaya pumasok na kami. ayun pala may round two pa! wala pang 5 minutes nagiingay na naman sila. at ito na ang pinakagrabe. lumusob na ang mga taga taas pati na rin ang mga taga looban at na sandwich ang mga taga-tirso (ito ung street namin). basagan ng bote dito, batuhan ng bato at mga paso, hamunan, at may nagpaputok pa ng baril!
akala mo kung sinong mga ketatapang at mahilig makipag-way at maghamon ng away, di naman pala kaya. akala mo kung mga sino. at ito pa ang masaya... nabato lang naman ang sasakyan namin na sobrang ikinagalit ng tatay ko at mga kuya ko. buti na lang at hindi nabasag ung mga salamin, di ko lang alam kung saang parte ung nabato.
buti na lang at pinagsabihan na sila ng pulis na taga dito sa amin. grabe, kinuyog talaga ung mga bagong lipat na yan dito sa amin kung saan nagmula ung away. ginisa talga sila ng mga taga-tirso. kami pa! eh tahimik at mabait ang aming komunidad. halos sila lang naman ang mahilig makipag-away! wala na kasing ginawa kundi mag-inuman buong magdamag kaya nakakabulahaw na sila ng mga kapitbahay. ginawa ng istambayan-slash-inuman-slash-sari-sari store ang kanilang inuupahang bahay na pagmamay-ari naman ng pamilya ng dad ko. ang mga kabataan nga naman ngayon. eh ung iba sa kanila mas matanda pa ako. kasing edad ko lang ata ung mga nagsapakan eh.
***kunyari pang inis ung iba, eh sa kanila rin naman sila bumibili ng beer. natatawa na lang ako sa mga reaksyon ng mga tao. hindi ako nagalit actually, nag-enjoy pa nga ako sa pag-uusi.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home