J.O to the L. OGS kami na kung tawagin ay mga JOLOGS
at talagang napilitan akong mag-update ng blog ko dahil sa ka-jologsan naming taglay ng mga kaklase ko.
***
syempre talagang nagtakbuhan kami nila ryan at mea ng sabihin nyang may screening daw ng big brother sa baba.ayun pala taping ng ikaw ang lahat sa akin. haha! at di pa kami makapaniwala nung una nang sabihin nila jhei at ann na andun nga si john lloyd.
mega usi ang mga lolo mo. keber ba namin sa ibang mga estudyante dun. para kaming first year. haha at talagang nilayasan namin ang design kahit na may ipapasa kaming plate that time.at jologs din pala katulad namin si faye at jony na nauna pang nakitakbo sa amin.
***
pero di pa yan ang kwento. eto ang matindi at nakakaasar.
mga past 7pm na so konti na lang ang tao sa gallery. syempre mega hintay pa rin kami sa shooting ni john lloyd. maya-maya andun na si john lloyd sa gallery at nagaaral ng blocking nya. ng matapos na na-starstruck kaming lahat ng biglang lumabas ng gallery si john lloyd at lumakad sa harap namin. di kami nakatili pero in fairness namn sa kanya nag-wave at nagsmile pa siya sa amin. wow. feeling namin that time ang bait nya. tapos ang guwapo at ang mestiso at ang kinis ng balat. (na-realize ko na di pala talaga akong pwedeng mag-artista kung ikukumpara sa kutis at gwapo nya. pero kung makita mo naman ung mga extra, mas guwapo pa ko sa personal. kaya ko rin naman mag-painting ha! haha!
tapos mega hintay pa rin kami kasi nakita namin na nagdadala ng pagkain sa classroom kung san nagstay si john lloyd. eh di ang tagal-tagal. wala ng tao sa gallery. kami na lang ng mga kakalase ko. OO, KAMI LANG MAGKAKAKLASE ANG MATIYAGANG NAGSTAY SA GALLERY. pero may dalawa ring 3rd yr na fanatic kay john lloyd.
di na kami makapaghintay so tinanong ko ung isang mamang crew kung pwedeng magpapicture kay john lloyd, sabi nya oo ok lang daw kumakain lang hintayin na lang namin lumabas. eh di hintay kami mga 30 minutes eh ang tagal tagal talaga isa pa sabi ni manong guard na magsisimula na lang daw ulit ung shooting kapag nakalabas ng lahat ng tao sa gallery so i dared myself na puntahan na sa room si john lloyd para di sayang sa oras. ayaw ba naman akong samahan ng mga classmate ko dahil nahihiya sila. eh di kinuha ko ung digicam ni jhei at nagsabing "bahala kayo ha, ayaw nyo kong samahan ako lang magpapapicture". naglakas loob akong magtanong dun sa isang bantay kung pwedeng silipin si john lloyd dun sa classroom para magpapicture. sabi nya ok lang daw eh di pumunta na ko sa labas ng room kasama si cj tapos nakita ko sa bintana si john lloyd nakaupo. tamang-tama naman na biglang lumabas ng pinto ung isang crew na kinukulit namin at sinabi nyang sige pumasok ka na. eh di pasok naman ako. (at syempre nainggit din ang akuing mga classmate na nakamasid kaya medyo sumunod sila bigla). pagpasok ko nakita agad ako ni john lloyd so nahiya kagad ako kaya medyo umatras ako. tapos parang sumenyas siya sa PA niya na ayaw niya so pinalabas ako ulit sabi hintayin na lang namin lumabas. di naman siya kumakain, nagtetext lang siya. dahil sa badtrip ko at dinedma niya ako umalis na kami.
yeah, we walked out with lots of dismay. we waited for nothing.
akala pa naman namin pagbibigyan nya kami magpapicture dahil syempre he has to be friendly and approachable to his fans kaso kaplastikan lang pala ang pagsmile at pagkaway nya sa amin. we were wrong. nasira na tuloy siya sa akin. buti pa si joross at roxanne kahit na hindi ko pinansin sa glorietta ng masagi ko sila nginitian pa rin nila ako.
at correction, i was never his fan (kahit na napanood ko pa sa sine ang my first romance at now that i have you! haha!) natuwa lang talaga ako sa kanya kaya napagisipan naming magpapicture sa kanya.
well, siguro... benefit of the doubt, pagod lang siguro at nagpapahinga raw dahil masama talaga ang pakiramdam sabi ng isang manong kaya di niya kami pinaunlakan.ngunit ganun pa man, ok lang un sakin dahil di naman talaga ako fan niya pero ayoko na sa kanya.
***
habang naglalakad kami pauwi, na realize ko na nakakahiya pala ung ginawa ko.
***
promise ko, pag sikat na ko, Laos na siya. HAHA! at di ako mangi-snob ng mga fans ko!
***
rockytulog: oh! bakit andito ka, manonood ka rin ng shooting?
timo: oo noh! nasa labas kami naghihintay! KANINA PA KAMING ALAS SINGKO ANDITO NOH!
rockytulog: wow! fanatic! ang taas pa naman ng respeto ko sayo. haha!
timo: nag-umpisa na ba? LUMABAS NA BA SI BEA ALONZO?
rockytulog: wala si Bea noh! si John Lloyd lang ang nandito!
timo: (mukha ng pinaghalong badtrip, dismaya, hinayang at gulat)HUH!?! ABA'Y PU+@ng i#@
0 Comments:
Post a Comment
<< Home